Categories
Life

Dalawang Tula sa Estatwa

Litrato ni Barnaby Lo

不可熄滅的光明 施文志

血淚與骨肉
鑄造的銅像
不可屈辱的尊嚴
完美堅定

黑暗中
不可熄滅的光明
讓她們
活在史冊上

Hindi Mapapawing Liwanag

Estatwang nililok
Sa dugo at luha, buto at laman
Hindi maalipustang dignidad
Walang pingas at matatag

Hindi mapapawing liwanag
Sa kadiliman
Hayaang mabuhay sila
Sa libro ng kasaysayan

Light That Could Not Be Dimmed

Figure carved
From blood and tears, bone and flesh
Dignity that couldn’t be demeaned
Standing unshakable, perfect.

Light that could not be dimmed
In the dark
Let them live, survive
In the pages of history.

慰安婦銅像 阿占

蒙住眼睛
世界本就这样地黑暗
我把自己隔绝
在丑恶的人性之前
不想看到
无辜的灵魂
遭受殘暴的蹂躏

站在我面前
你看到的是一具軀体
尊严已经盪然无存
那已被禽兽呑噬
被一群狰狞兇恶的疯狗
在黑暗的罪恶中
发泄兽性的兇殘

站在我面前
不必为我感到羞耻
那不是我的过错
我所受的凌辱是人类的耻辱

Estatwa ng Comfort Woman

Piniringan ang mga mata
Talaga namang ganito kadilim ang mundo
Inihiwalay ko ang sarili
sa harap ng pangit na kalikasan ng tao
Dahil hindi gustong makitang
Malupit na niyuyurakan
Ang mga kaluluwang walang kasalanan

Nakatayo sa aking harapan
Ang nakikita mo ay isa lamang katawan
Walang natitirang dignidad
Nilulon na ng mga halimaw
Isang kawan ng asong ulol
Ang nagpakawala ng kahayupan
Sa gabi ng kasamaan

Nakatayo sa aking harapan
Hindi kailangang mahiya para sa akin
Hindi ko naman ito kasalanan
Ang sinapit ko’y kahihiyan ng sangkatauhan

Statue of Comfort Woman

They blindfolded me
But that’s how dark the world has always been
I separated myself
from the hideous nature of people
because I did not want to see
the cruel insults
heaped upon innocent souls

You, standing before me
What you see is a body
Deprived of all dignity
Devoured by monsters
A pack of demented dogs
Animality let loose
In a night of evil

You, standing before me
Do not be ashamed for me
This was not my own doing
My fate the shame of all humanity